Hachinohe: Ang Aking Pangalawang Tahanan フィリピン

Pilipinas ChristinebSalao
フィリピン クリスティンさん

Kasagsagan ng pandemya noong 2021 noong isa ako sa mga mapalad na 107 na Pilipino na ipinadala ng Pilipinas upang magbahagi ng kulturang Pilipino at kaalaman sa wikang Ingles dito sa Japan. Sa aking aplikasyon, ibinahagi ko na sana ako ay ilagay sa isa sa mga syudad na ito: Saitama, Kyoto o Sapporo. Ngunit noong natanggap ko ang email na naglalaman ng aking placement, ito ang nakalagay; Congratulations! The 2021 Japan Exchange and Teaching (JET) Programme is pleased to offer you an opportunity to be employed as an Assistant Language Teacher (ALT) in Hachinohe City, Aomori Prefecture”. Nalungkot ako nang konti dahil ang tatlo kong mga kaibigan ay inilagay sa Shizuoka Prefecture. Ako ang nagbubukod tanging nahiwalay sa aming grupo.

Agad kong tiningnan ang Hachinohe, Aomori sa internet. Wala akong ideya kung saang bahagi ito ng Japan kaya laking gulat ko ng makita ang mga larawan ng syudad. Nabighani ako sa kagandahan nito—malapit sa dagat, sagana sa likas na yaman gaya ng mga puno, bulaklak at tila ito ay isang mapayapang lugar. Higit sa lahat, namangha ako sa mga larawan sa taglamig o winter. Sa kabila ng aking pag-iisa dito sa Hachinohe sa aming grupo, nasabik naman akong makilala ang iba pang mga kapwa Pilipino at ibang lahi sa JET programme.

(画像提供者:カルロス セケーラさん)

Ika-una ng Nobyembre 2021 noong kami ay dumating sa Hachinohe mula Tokyo. Nabighani ako sa iba’t-ibang kulay ng mga puno—pula, dilaw, at kayumanggi. Ang mga dahon ng mga puno ay nagbigay sa akin nang umaapaw na kasiyahan. Ang ganitong larawan ng mga puno ay wala sa Pilipinas kaya itong tanawin ay talagang kamangha-mangha.

Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa. Ibig sabihin mayroon lamang itong dalawang panahon—tag-ulan (wet) at tagtuyot (dry). Walang taglamig (winter) at walang mga magagandang kulay ng dahon kung taglagas (autumn). Katulad ng Japan, ang Pilipinas ay meroon ding tagsibol (spring) mula Abril hanggang Mayo.

Disyembre 2021 noong aking nasilayan ang unang pag-ulan ng niyebe or snowfall sa tanang buhay ko. Ito ay isang napakagandang tanawin at ako ay napaluha. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. At sa pagdaan ng mga araw at buwan, mas lalo akong napamahal sa Hachinohe. Iba’t-ibang pagkaing Japanese ang aking natikman. Isa sa pinakapaborito kong local food ay ang senbei jiru soup. Palagi itong kasama sa school lunch.

Ang Hachinohe ay may mga natatagong kayamanan na maaring ipagmalaki sa mga turista. Nariyan ang Kasbushima Shrine at ang paborito kong pasyalan—Tanesashi Coast. Madalas ko ring pinupuntahan ang mga lokal na parke upang magmuni-muni at maglakad. Paborito kong parke ang Miyagi Park. Maraming mga puno, preska ang simoy ng hangin at tanaw ang malaking bahagi ng syudad. Isa ring pasyalan kapag araw ng Linggo ay ang Morning Market sa Tatehana Wharf. Maraming mga pagkain, preskang mga prutas, gulay, at isda, at iba’t-ibang lokal na mga produkto na mababa ang presyo.

(画像提供者:カルロス セケーラさん)
(画像提供者:カルロス セケーラさん)

Isa pa sa mga dahilan kung bakit gusto ko dito sa Hachinohe ay ang mga taong nakakasalamuha ko araw-araw. Sa aking pamumuhay dito sa loob ng isang taon, marami na akong lokal na mga tao ang nakakasalamuha at minsan ay nakakausap. Napakabait at magaan kausap lalo na ang mga matatanda. Dahil sa araw-araw kong pakikisalamuha sa mga tao sa komunidad at kahit sa aking lugar na pinagtatrabahuhan, mas marami akong natutunan tungkol sa kultura, pamumuhay, tradisyon at pag-uugali ng mga tao dito sa Hachinohe. Mas lalo akong nabighani sa syudad na ito.

Sa ilang taon kong nagtrabaho bilang guro sa ibang bansa tulad ng China at Thailand, may mga pagkakataong ikinukumpara ko sila sa Japan. Oo, ang iba’t-ibang bansa ay may kanya kanyang kultura, tradisyon at pamumuhay pero hindi ko maikakaila na pinakamasaya ako dito sa Hachinohe.

Kung noong una ay nalungkot ako dahil ako ang tanging nahiwalay sa aming grupo na magkakaibigan, masaya naman ako at may mga bagong tao akong nakilala. Nakakataba rin sa puso na sumali sa mga programa at mag boluntaryo sa iba’t-ibang aktibidadis para sa mga dayuhan katulad ko. Dahil dito, mas napapalawak ang aking kaalaman, karanasan at mas napagtibay ang aking relasyon sa komunidad dito sa Hachinohe. Ngayon, masasabi kong napakaswerte ko at dito ako nilagay sa Hachinohe. Para sa akin, ito ang katuparan sa aking minimithing pangarap na lugar na nais tirahan dito sa Japan.  

【SUMMARY】

Hachinohe: A Home Away from Home

Philippines Christine

Before coming to Japan, at first, I had no idea what Hachinohe, Aomori looks like so I had to do some research. I was amazed to see beautiful pictures of the city. I am a nature lover so I got excited about the natural scenery of the place. Hachinohe is different from the city (Iloilo City) where I came from the Philippines. In spring, there are many beautiful flowers that I have seen everywhere that we don’t have in the Philippines. In autumn, leaves turn into different colors such as yellow, brown and red. In winter, I love how beautiful and peaceful the surroundings are.

There are many beautiful places that I already explored such as Kabushima Shrine, Tatehana Morning market, and my favorite, Tanesashi Coast. Miyagi Park is also my favorite park where I often go to take a walk and ponder about different things in life. Moreover, I love how random people, especially the old ones, in Hachinohe treat foreigners like me. Overall, I am enjoying my life here. Hachinohe is a livable and peaceful city that is why I like it here very much. 

【日本語概要】

八戸:第二の我が家

フィリピン クリスティンさん

日本に来る前、最初、青森県八戸市がどんなところか分からなかったので、少し調べてみました。美しい街の写真を見て、驚きました。私は自然が好きなので、その自然の風景に興奮しました。八戸は、私がいたフィリピンの街(イロイロ市)とは違います。春には、フィリピンでは見たことがないような美しい花がたくさん咲いています。秋には、黄色や茶色、赤など、さまざまな色に変化する葉があります。冬は、周囲がとても美しく、平和であることが好きです。

蕪嶋神社、館鼻朝市、そして私のお気に入りの種差海岸など、すでに探索した美しい場所がたくさんあります。三八城公園も大好きな公園で、よく散歩をしたり、人生のいろいろなことについて考えたりしています。さらに、八戸の人たち、特に年配の人たちが、私のような外国人に親切にしてくれるのが好きです。全体として、私はここでの生活を楽しんでいます。八戸は住みやすく、平和な町なので、私はこの町がとても好きです。

2023年2月掲載